^

Police Metro

Away mag-asawa, nauwi sa saksakan; mister, patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humantong ang pag-aaway ng isang mag-asawa na kung saan ay napatay ng misis ang kanyang mister naganap, kamakalawa sa Tacloban City.

Namatay noon din ang biktimang si “Tino”, 67 habang nakakulong naman ang misis nitong si “Zelda”, 58, vendor.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente, kamakalawa ng gabi sa mismong bahay ng mag-asawa sa Barangay 98, Camansihay, Tacloban City.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa na kung saan ay nauna umanong kumuha ng 19 pulgadang bolo ang mister na dapat sana’y isasaksak sa misis ngunit nakaiwas umano ito at naagaw ang bolo at saka sinaksak ng ilang beses sa kaniyang mister.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na kusang-loob umanong sumuko dala ang pinaghihinalaang murder weapon.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->