Pangulong Marcos dedma sa hamon ni Rodriguez na hair follicle test
MANILA, Philippines — Hindi papatulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hamon ni dating Exceuitve Secretary Vic Rodriguez na sumailalim siya sa hair follicle test.
Sa ambush interview sa Pasay City, na walang kinalaman ang hair follicle test sa iginigiit ni Rodriguez na public office is a public trust.
Ang hamon ni Rodriguez ay kaugnay sa aniya ay paggamit ng ilegal na droga ni Pangulong Marcos.
“No. Why should I do that? What is he saying public trust, public office-- it has nothing to do with a follicle test. Wala namang koneksyon ‘yung sinasabi niya,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Giit pa ng pangulo kung papaniwalaan ang sinasabi ni Rodriguez ay bakit pa ito nagtrabaho sa kanya.
Si Rodrigues ay nagsilbing Executive Sectetary ni Pangulong Marcos sa unang buwan ng panunungkulan sa Malacañang.
- Latest