4,057 pahina ng 2025 GAA binasa ko, no blank pages – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , na “walang blank items” na nakapaloob sa 2025 General Appropriations Act (GAA), taliwas sa ipinag-iingay ng iba’t ibang mga kampo.
Sa pagsasalita sa 20th National Convention of Lawyers of the Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Cebu City, binigyang diin ni Pangulong Marcos na nirepaso niyang mabuti at sinuri ang 2025 budget at natuklasan na wala naman itong isyu.
“Just last month, I had to read 4,057 pages of the General Appropriations Act of 2025. Because I reviewed it, analyzed, and yes—in parts vetoed it,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“I really am convinced that they simply do not exist because it is not allowed to exist. So for those of you who think that the Presidency is just handshakes, photo ops, I assure you, that fine print is alive in my office as well.” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, makailang ulit na itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang alegasyon hinggil sa “blank pages” sa bicameral conference committee report ukol sa 2025 national budget.
Nilinaw ni Bersamin na ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan kabilang na si Pangulong Marcos ay walang papel sa di umano’y ‘blank items’ sa bicameral conference committee report.
Matatandaan na dumulog sa Korte Suprema sina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Congressman Isidro Ungab para ipawalang bisa ang budget dahil sa mga blank items sa bicameral conference committee report ng Kongreso.
- Latest