75-anyos na PWD patay sa sunog
MANILA, Philippines — Isang 75-anyos na babaeng senior citizen na person with disabi- lity (PWD) ang nasawi nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Putatan Itaas sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.
Hindi muna pinangalanan ang nasawi na ayon sa ulat ay hindi na nakalabas ng bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, habang apat pang residente ang nagtamo ng minor injuries.
Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station-Fire Department III, alas-10:20 ng umaga nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Ernesto Vibora Sr., sa Marquez Compound, Putatan Itaas, Summitville, Barangay Putatan na umabot sa ikalawang alarma alas-10:39, at idineklarang fireout alas- 11:09 ng umaga.
Nabatid na suffocation ang ikinasawi ng biktima na hindi nakalabas ng bahay dahil nasa ikalawang palapag ito.
Nasa 15 kabahayan o higit 15 pamilya ang naapektuhan habang tinatayang P750,000.00 ng ari-arian ang napinsala.
- Latest