6 estudyante sa Makati, sugatan sa chemical explosion
MANILA, Philippines — Nasugatan ang anim estudyante matapos ang chemical explosion sa isang paaralan sa Barangay San Antonio, Makati City, kamakalawa ng hapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) .
Tatlo sa mga biktima ay dinala sa isang ospital habang ang tatlo pa ay itinurn-over naman sa kanilang mga pamilya.
Sinabi ng BFP na nangyari ang insidente sa Globetek Science Foundation Inc., pasado,alas-5:20 ng hapon, subalit naiulat ito sa BFP, pasado alas-6:12 ng gabi.
Ayon sa BFP, nagsimula ang apoy sa pagsabog ng ethanol sa laboratory room ng paaralan, Tinataya namang nasa P5,000 ang halaga ng pinsala matapos maapektuhan ng apoy ang gusali.
Dalawang trak ng bumbero at isang ambulansiya ang dumating sa lugar at pasado alas-6:46 ng gabi ay idineklarang ligtas na ang lugar.
- Latest