Panukalang batas ni Cong. Erwin suportado ng CHR
MANILA, Philippines — Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang inihaing panukalang batas ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo.
Ito ang inihayag ni CHR Comm. Faydah Dumarpa at inaabangan nila ang pagsasabatas ng House Bill 8987 o ang “An Act Punishing the Willful Failure to Pay Paternal Child Support”.
“This will help a lot of single moms na makakakuha ng sustento sa kanilang ex para sa anak nila”, ani Comm. Dumarpa.
Ayon sa nasabing panukalang batas na inihain ni Tulfo noong nakaraang taon lang, anim na taong pagkakakulong ang parusa sa sinumang ama na ayaw sustentuhan ang anak bagamat may hanapbuhay naman.
Paliwanag ni Comm. Dumarpa ang hindi pagsustento sa anak ay paglabag sa karapatang pantao ng bata na papasok sa “Violence Against Women and Children” o VAWC sa ilalim ng economic deprivation.
Ang HB 8987 ay lusot na sa House Committee on Child Welfare at nasa Appropriations Committee na para pag-aralan ang pondo na ilalaan sa nasabing batas dahil kailangan din magtatag ng isang opisina sa DSWD para mangasiwa sa child support.
- Latest