P2.5 bilyong dagdag na pondo, kung maipagpaliban ang BARMM polls - Comelec
MANILA, Philippines — Kung sakaling tuluyang maipagpaliban ang pagdaraos ng kauna-unahang parliament elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay kakailanganin ng Commission on Elections (Comelec) ang karagdagang pondo.
Matatandaang ang Bangsamoro Parliament elections ay nakatakda sanang isagawa kasabay ng National and Local Elections sa Mayo 12.
Gayunman, kinumpirma mismo ng Malacañang na sinertipikahang urgent ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ipagpaliban ito sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia na kakailanganin na aabot sa P2.5 bilyong karagdagang pondo ang kakailanganin nila para sa pagdaraos ng isang hiwalay na eleksiyon.
Una na ring kinumpirma ni Garcia na ipinatigil muna niya ang pag-iimprenta ng mga balota para sa naturang halalan dahil sa naturang kautusan ng pangulo.
- Latest