Practical test para sa motorcycle riders, hihigpitan - LTO
MANILA, Philippines — Dahil sa madugong banggaan ng dalawang racing motorcycle riders racing sa kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway na ikinasawi ng isa ay hihigpitan na ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsasalang sa practical test para sa motorcycle riders bago maisyuhan ng driver’s license.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza, hindi na ngayon maaari ang pag-atras abante lamang ang gagawin ng rider bago makakuha ng lisenya.
“Nakita natin ‘pag kumukuha ng practical test sa LTO…in some places, atras-abante lang ang sasakyan, pasado na. This is something na we would like na higpitan ang practical testing ” daagdag ni Mendoza.
Anya may identified areas na silang nakita para sa pagsasailalim sa practical driving courses nationwide ng mga riders.
Anya, iimbestigahan din ng LTO ang organizers ng Marilaque Highway race kaugnay ng aksidente.
- Latest