P200 dagdag sahod aprub na sa panel ng Kamara
MANILA, Philippines — Aprubado na panel ng Kamara de Representantes ang panukalang P200 umento sa suweldo ng mga pribadong sektor ng manggagawa.
Ang panukalang P 200 kada araw na across-the -board na taas suweldo ay pinagtibay ng House Committee on Labor and Employment para sa mga manggagawa sa pribadong sektor .
Noong Martes ng gabi ay pinulong ni Speaker Martin Romualdez kasama sina TUCP Partulist Rep. Democrito Raymond Mendoza at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre ang mga lider manggagawa at tinalakay ang umento sa suweldo na iginarantiya naman ng punong lider ng Kamara na kanilang susuportahan at ipapasa.
Kapag napagtibay ang panukalang batas ay oobligahin ang lahat ng mga pribadong negosyo, gaano man kalaki ang industriya na mag-implementa ng P-200 arawang umento sa suweldo ng kanilang mga manggagawa.
- Latest