^

Police Metro

Bentahan ng droga sa lansangan parang candy - Bato

Cecille Suerte Felipe - Pang-masa
Bentahan ng droga sa lansangan parang candy - Bato
Photo shows four alleged drug den operators arrested in Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat by the Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
via The STAR / John Unson

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Phi­lippine National Police chief at ngayo’y Senador Bato dela Rosa kaugnay ng muling paglaganap ng bentahan ng iligal na droga sa bansa matapos ang termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang daming tao na nagsasabi na nagpapasalamat sila sa war on drugs dahil safe na ‘yung kanilang environment. So, for us, it’s a great success,” pahayag ni Dela Rosa matapos ikumpara ang drug war noong panahon ni Duterte kumpara sa anti-narcotics campaign ng kasaluku­yang administrasyon.

Mas malala umano ang sitwasyon ng droga sa ngayon kumpara sa nagdaang administras­yong Duterte.

“Malala! Tanungin mo ang mga barangay kapitan, pumunta ka. Pumunta ka do’n sa ground…Wala kang maririnig na barangay kapitan na magsabi na, ‘Sir, okay ang aming sitwasyon sa drugs. Perfect na, wala nang problema,” saad ni Dela Rosa.

“Halos lahat magsa­sabi sa’yo [kahit] hindi nga natin tinatanong eh, lalapit sa atin at magsusumbong. ‘Sir, andiyan na naman sila, Sir. Nagkakalat na naman. Noon nagsipaglayasan ‘yan, nagsipagtago. Ngayon, andiyan nanaman, parang candy nanaman na binebenta ‘yung drugs sa kalsada,” sambit pa niya.

Sa nagdaang admi­nistrasyon, sinabi ni Dela Rosa na 1.6 milyon indibidwal na sangkot sa droga ang sumuko at mahigit 300,000 naman ang inaresto.

Binigyang-diin pa ng senador na kailangan ang full support ng Pangulo sa mga alagad ng batas para maging matagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga.

ILLEGAL DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with