Barko nasunog: 2 welder nasawi
MANILA, Philippines — Dalawang welder ang nasawi nang ma-suffocate sa nasusunog na barko na kanilang kinukumpuni sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Junel Boncodin, 23; at Roberto Dondan, 21 kapwa residente ng Market 3, Brgy. NBBN, Navotas City.
Sa ulat, alas-9:22 ng gabi nang mangyari ang insidente sa MV Amansinaya Passager Ship na nasa Tawiran Tres St., Brgy. Daang Hari, Navotas City.
Ayon kay Fire Superintendent Ronaldo Sanchez, Fire Marshal ng Navotas City-BFP, kabilang ang mga biktima sa 20 katao na nasa barko na nagwewelding nang masunog ang storage room.
Pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa makakapal na usok at mahigit apat na oras inapula ang sunog.
“Mayroon dalawang katawan, dalawang bangkay na magkatabi na animo’y nag-struggle sila. Hindi naman sunog na sunog ang katawan nila. Portion lang. We assume that ang cause talaga ng kanilang pagkamatay ay suffocation,” ani Sanchez.
- Latest