Misis kinatay ng dating mister
Gustong makipagbalikan
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 48-anyos na misis matapos na siya ay ataduhin nang saksak ng kanyang dating mister nang magkaroon ng umano’y pagtatalo, kamakalawa sa loob ng bahay sa San Pablo Alicia, Isabela.
Nasawi sa pitong saksak sa katawan ang biktimang si “Maria”, habang nadakip naman sa follow up-operation ang suspek na si “Pedro”, 52, magsasaka at residente rin ng nasabing barangay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima noong Sabado ng gabi upang makipagbati at hiniling na muli silang magbalikan.
Subalit, hindi pumayag ang biktima na ikinagalit ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang una bago ito nagtangkang tumakas ngunit kalaunan ay nahuli rin ng pulisya.
Lumilitaw na isang taon nang hiwalay ang biktima at suspek na nahaharap sa kasong parricide.
- Latest