Quezon City -LGU pinalakas pa ang kampanya laban sa cervical cancer
MANILA, Philippines — Higit pang pinalakas ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglaban sa sakit na cervical cancer sa mga kababaihan.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakipag-ugnayan na ang QC LGU sa Department of Health (DOH) at Jhpiego Philippines para sa pagtataguyod ng community-based cervical cancer screening program para sa QCitizens.
Ayon kay Belmonte, simula sa buwan ng Pebrero, iaalok na ang libreng high-performance Human papillomavirus (HPV) DNA testing sa mga piling SouthStar Drug outlets at sa QC Health Department’s partner Women Workers for Health Empowerment (WHEN).
Anya may pharmacist na tutulong sa mga kliyente at oras na naibalik na ang sample sa drug store, ibibigay ito sa laboratory ng Philippine Business for Social Progress (PBSP) para sa resulta ng screening.
Sinabi ni Belmonte na kung nagpositibo ang kliyente, bibigyan agad ito ng thermal ablation intervention sa Batasan Lying-in Clinic o sa Old Balara Health Center. Kung mayroon namang makikitang lump o bukol sa cervix, irerekomenda ang pasyente sa kapartner na ospital.
Ang cervical cancer ang ikalawang karaniwang sakit sa mga babae.
- Latest