Ama na problemado, hinostage ang paslit na anak

Maayos at matiwasay na nailigtas ng mga otoridad ang batang hinostage ng sariling ama na umano ay ­problema sa kanyang pamilya, naganap kamakalawa ng gabi sa Taytay, Rizal.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Matagumpay na nailigtas ng mga otoridad ng 1-taong gulang na bata na hinostage ng sariling ama sa problemang pampamilya sa Taytay Rizal, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial director Col. Felipe Maraggun, ligtas na isinuko ng suspek (ama) na si Vin, 26-anyos ang anak at ang sarili kabilang ang kutsilyong gamit sa hostage.

Nakapiit na ng suspek sa detention cell ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2024).

Alarm and Scandal at illegal possession of Bladed Weapons, habang ligtas na naibalik ang bata na si alyas Athena sa kanyang ina o pamilya.

Show comments