MANILA, Philippines — Dapat umanong magsumikap ang pamahalaang lungsod ng Davao sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga nakatatandang residente nito o ang senior citizens, bilang bahagi na rin ng malawak na programa para sa pangangalaga ng mga nabibilang sa tinaguriang ‘vulnerable sectors’.
Ito ang binigyan-diin ni dating Davao City lawmaker Karlo Nograles sa kanyang isinasagawang community outreach activity para sa mga senior ng kanilang lungsod.
“A government is only as good as it treats its most vulnerable sectors, because they are the ones who need the most help. Kaya ang mga vulnerable sector gaya ng mga senior citizen, dapat hindi na pinahihirapan lalo na sa pag-avail ng services ng city hall.” Wika ni Nograles. Ayon kay Nograles, na dati ring naging chairman ng Civil Service Commission (CSC), bukod sa target niyang ‘digitalization’ sa operasyon ng Davao City government, magkaroon ng ‘door-to-door’ at community hub services partikular para sa mga senior citizen sa gayon ay madali nilang matatanggap o mapakinabangan ang iba’t-ibang programa ng lunsod para sa kanila.
Nais din niyang magkaroon ng sapat na mga kagamitan ang bawat health centers, na magbibigay-daan sa maghusay na health services nito sa seniors at iba pang mga mamamayan ng lungsod.