^

Police Metro

P49 kada kilo ng bigas, posible sa Marso - DA

Angie dela Cruz - Pang-masa
P49 kada kilo ng bigas, posible sa Marso - DA
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ito ay mas mababa sa 50 kada kilo sa buwan ng Marso kung magiging “stable” ang presyuhan nito sa merkado.
STAR/ File

Unti-unting bawas sa MSRP ipatutupad 

MANILA, Philippines — Unti-unti nang magpapatupad ng bawas-presyo ng imported na bigas na mas mababa sa maximum suggested retail price (MSRP) sa mga sususnod na linggo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.,  ito ay mas mababa sa 50 kada kilo sa buwan ng Marso kung magiging “stable” ang presyuhan nito sa merkado.

Una nang nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng MSRP na P58 kada kilo ng imported rice na ipinatupad sa Metro Manila makaraan ang utos ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang taripa sa bigas nang may 15 percent mula sa dating 35 percent.

Ayon sa DA, exempted naman sa MSRP ang Japanese black rice, red rice, basmati, imported malagkit at bigas na ani ng mga pinoy farmers.

“By February 5, the MSRP on imported rice will be brought down to P55. Then, by February 15, we will lower it further to P52. By March 1, hopefully, we will break P50 per kilo, with the MSRP at P49, as long as world prices remain as they are today—a maximum landed cost of USD530 to USD550 per metric ton for 5 percent broken rice,” pahayag ni Sec. Laurel.

Dulot ng planong pagbabawas sa MSRP, sinabi ng Kalihim na layon nito na bigyan ang mga industry players tulad ng mga traders, retailers, wholesalers at importers para magkaroon ng paraan para sa isang maayos na transition.

LAUREL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with