^

Police Metro

Nakakalasong kemikal nakaamba sa ‘rocket launch’ ng China

Pang-masa
Nakakalasong kemikal nakaamba sa ‘rocket launch’ ng China
Sa inisyung memorandum ni Director Cesar Idio, Officer-in-Charge ng Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations, base sa direktiba ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Usec. Ariel Nepomuceno lahat ng mga kinauukulang ahensiya ay ipinatitiyak ang kaligtasan ng lahat sa mga apektadong coastal areas.
AFP / Pedro Pardo

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga lokal na opisyal at mga residente ng Palawan at Basilan sa mga bayba­ying dagat kaugnay ng mga nakalalasong kemikal sa isasagawang rocket launch ng People’s Republic of China (PROC).

Sa inisyung memorandum ni Director Cesar Idio, Officer-in-Charge ng Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations, base sa direktiba ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Usec. Ariel Nepomuceno lahat ng mga kinauukulang ahensiya ay ipinatitiyak ang kaligtasan ng lahat sa mga apektadong coastal areas.

Kasabay nito, nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSa ) na huwag pupulutin ang anumang debris ng rocket dahilan posibleng naglalaman ito ng toxic substance tulad ng rocket fuel .

“In cases where contact with debris is unavoidable, personal protective equipment (PPE) is recommended. The public is urged to report any suspected debris sightings, either at sea or on land, to local authorities immediately,” ani Idio.

Base sa report, ang Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan ay maglulunsad ng rocket launch dakong alas-5:53 ng hapon at alas-6:42 kagabi, araw ng Sabado (Enero 25).

Ang debris ng nasabing mga rocket ay inaasahan lulutang sa karagatan at delikadong pulutin ng mga mangingisda at mga residente sa lugar.

Sa advisory, tinukoy ang itinalagang drop zones kung saan inaasahang tatama ang mga debris ng rocket sa distansiyang 85 nautical miles mula Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS). Ang Drop Zone 2 ay babagsak, 40 nautical miles mula ­Puerto Princesa City, Palawan habang ang Drop Zone 3, ay may distansya 33 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.

Iinabisuhan na ng OCD ang PCG, BFAR, DILG at DENR National Mapping and  Resource Information Authority NAMRIA) na pansamantalang magpatupad ng paghihigpit at abiso sa mga mariners sa mga natukoy na drop zones.

PPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with