^

Police Metro

3 Chinese POGO workers ipinatapon ng BI

Butch Quejada - Pang-masa
3 Chinese POGO workers ipinatapon ng BI
Vignettes of the office space inside an offshore gaming company in Metro Manila.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong Chinese national ang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) makalipas lamang ang dalawang linggo matapos silang arestuhin, isang prosesong natapos sa record time.

Ang hakbang sa fast-track deportation, ani BI Commissioner Joel Viado, ay alinsunod sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbabawal sa operasyon ng POGO sa bansa.

“Kami ay nagtatrabaho nang walang pagod upang matiyak ang mabilis na pag-alis ng lahat ng mga indibidwal na natagpuang lumalabag sa aming mga batas sa imigrasyon. Ito ay nagpapakita ng ating determinasyon na itaguyod ang mandato ng Pangulo at protektahan ang interes ng bansa,” sabi ni Viado.

Ang mga na-deport na indibidwal na kinilalang sina Lyu Xun, 23; Kong Xiangrui, 26; at Wang Shangle, 25, ay kabilang sa 450 illegal POGO workers na nahuli sa isinagawang malawakang operasyon ng BI noong Enero 8. Pinabalik sila sakay ng isang Air Asia flight papuntang Xiamen, China ng hapon nitong Enero 25.

Nagbigay rin ng matinding babala ang BI sa mga nananatiling illegal POGO workers na nasa bansa pa.

“We encourage those who are still here illegally to voluntarily surrender to authorities,” urged Viado. “Iwasan ang kahihiyan at kahihinatnan ng pag-aresto. Makipagtulungan ngayon upang mapadali ang iyong pag-alis,” dag­dag niya.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with