^

Police Metro

Prosperity Tree sa Binondo para sa Chinese New Year pinailawan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinimulan na ang masiglang selebrasyon ng Chinese New Year sa Chinatown sa pamamagitan ng pagpapailaw ng Prospe­rity Tree sa San Lorenzo, Binondo, Biyernes ng gabi, Enero 24.

Pinangunahan ni Manila City Administrator Bernie Ang, deputy chair ng Manila Chinatown Development Council (MCDC), ang pag-iilaw ng Prosperity Tree, na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod at iba’t ibang organisasyong Chinese-Filipino.

Sinabi ni Ang na ang mga kaganapang nakahanay para sa  Chinese New Year sa Enero 29 ay inihahanda sa pakikipag-ugnayan sa Fede­ration of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) na pinamumu­nuan ni chairman Jeff Lau.

Alas-11:00 ng gabi sa Martes, Enero 28, naman isasagawa ang Chinese New Year countdown sa Jones Bridge at ang Grand Parade naman ay iikot sa paligid ng Chinatown kinabukasan alas-2:00 ng hapon at starting point ang old Post Office site.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na limang araw ang mga inihandang aktibidad sa selebrasyon hanggang sa Enero 29 na inaasahang dadagsain na naging tradisyon na tinatangkilik din ng mga Pinoy, bukod sa Fil-Chinese at mga dayuhang turista.

CHINATOWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with