Isyu sa blangkong line items sa bicam report sa 2025 budget, ‘wag isisi sa Palasyo!

Chief Justice Lucas Bersamin said he has not yet checked if the PET case of Marcos vs. Robredo is scheduled for deliberation on October 8.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Huwag isisi sa Malacañang ang mga blangkong line item sa bicameral report sa 2025 national budget.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng plano ng ilang grupo na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang umano’y blangkong line items ng bicam report.

Ayon kay Bersamin, hindi nila mapipigilan ang mga taong gustong hamunin ang isyu sa kataas-taasang hukuman dahil sa paniwalang may problema sa pinirmahang 2025 General Appropriations Act.

Binigyang-diin ni Bersamin na walang kinalaman ang Malacañang sa bicam report dahil hindi naman ito ang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kundi ang mismong kopya ng GAA.

Matatandaan na sinabi ni dating executive Secretary at Senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez na may ilang abogado ang nagbabalak umakyat sa SC tungkol sa mga di umano’y blangkong item sa bicameral conference committee report ng 2025 budget.

Sinabi pa ni Rodriguez na inaasahan niyang sasagutin ng administrasyon ang aniya’y hindi pagkakapare ­pareho sa 2025 budget na aniya ay labag sa batas.

Show comments