2 grade 8 students nalunod sa lawa
MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang binatilyo nang malunod sa Laguna Lake habang naglalaro, sa bahagi ng Binangonan, Huwebes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Mark Lester”, 15; at alyas “Niedel Vince”, 15, kapwa Grade 8 students, residente ng Pasig City.
Sa ulat ng pulisya, alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Laguna lake, sakop ng Barangay Libid, Binangonan, Rizal.
Ang dalawa umano ay naglalaro sa tabi ng lawa nang madulas si Mark Lester sa basang bahagi ng lawa at napakapit ito kay Niedel Vince, dahilan upang sila ay kapwa dumausdos at napunta sa ilalim.
Ilang saksi ang humingi ng saklolo sa mga tambay na lumusong upang sagipin ang mga biktima subalit wala ng buhay nang maiahon ang dalawa.
- Latest