Magkasintahan na nakatakdang ikasal, todas sa aksidente
MANILA, Philippines — Hindi na umabot sa altar ang isang magkasintahang nakatakda sanang ikasal ngayong huling linggo ng buwan nang aksidenteng bumaliktad ang sinasakyan nilang truck sa highway ng Brgy. Paltoc, San Emilio, Ilocos Sur.
Kinilala ang nasawing magkasintahan na sina Ibrahim Cardenas, 26, nagmamaneho ng sasakyan at ang kaniyang nobya na si Fatima Claire Pis-oy, 25.
Sa report ng pulisya, nangyari ang malagim na sakuna noong nakalipas na Sabado habang ang magkasintahan ay sakay ng truck.
Nawalan umano ng preno ang truck dahilan sa nagloko ang makina nito habang pababa sa matarik na highway sa national road ang behikulo bunsod upang bumangga ito sa may paanan ng bundok sa gilid ng kalsada.
Bumangga ang truck sa gilid ng kalsada at bumaliktad na malubhang ikinasugat ng magkasintahan na nagawa pang maisugod sa pagamutan pero kapwa na idineklarang dead on arrival.
Nabatid pa sa pulisya na accident prone area ang lugar kaya pinag-iingat ang mga motorista dito.
- Latest