Mga Pinoy na ilegal na nakatira sa US nanganganib ma-deport
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Philippine Embassy sa Amerika ang mga Pinoy na ilegal na nanatili sa nasabing bansa na makipag-ugnayan sa kanila dahil sa pagsisimula ng administrasyon ni President Donald Trump, sa paghabol sa mga illegal aliens.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, tinatayang nasa 350,000 na Filipino ang ilegal na ninirahan sa Estados Unidos.
Dagdag pa ni Romualdez, isa sa pangunahing inaalala nila ngayon ay mga Pinoy doon na matagal na at may mga pamilya, trabaho, at iba pa bagama’t mayroon karapatan ang iba sa kanila ay humiling na rin sila sa Filipino -American community doon na magbigay ng tamang payo kung paano magpatuloy sa legal na paraan.
Nilinaw naman ng opisyal na ang mga nasa Amerika ng 10 taon, nagtatrabaho na at nakapag-establish na ay mayroong pag-asa na magkaroon ng permanenteng status.
Sa pagsisimula ng ikalawang termino ni Trump ay nagpahayag ito na bawasan nang malaki ang bilang ng mga migranteng pumapasok sa Estados Unidos at nangako na agad ititigil ang lahat ng ilegal na pagpasok sa kanilang bansa at sisimulan ang pagpapaalis sa mga kriminal na dayuhan.
- Latest