^

Police Metro

Walang bagyo na inaasahan sa Pebrero - Pagasa

Angie dela Cruz - Pang-masa
Walang bagyo na inaasahan sa Pebrero - Pagasa
The sunset brings warmth to the locals and tourists enjoying a cold afternoon in Baguio City on January 6, 2025.
The Philippine STAR / Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Maaaring wala o may isang bagyo ang maaa­ring tumama sa bansa sa susunod na buwan nang Pebrero ngayong taon.

Ito ang sinabi ni Ms. Ana Solis, Head Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA sa QC Journalist Forum kaugnay nang nararanasang panahon sa ngayon.

Anya tulad ngayong pagtatapos ng Enero, maaari ring wala o may isang bagyo ang dumaan sa bansa.

Sinabi ni Solis na pa­tuloy na mararanasan ang La Niña Phenomenon sa bansa kaya’t oras na makaranas ng ulan sa bansa ay maaaring mas marami ang maranasang pag-ulan sa bansa.

Sa ngayon anya, umii­ral pa rin ang amihan na isang weather disturbance na ­nagdadala rin ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng easterlies at shearline. Sa pag-iral anya ng tatlong weather disturbance sa panahon ng La Niña ay asahan na ang malalakas na pag-ulan.

Anya dulot ng mga umiiral na weather disturbance sa bansa, agad silang nagpapaalala sa Department of Agriculture (DA) ng mga maaaring pananim ang mas higit na mapalalaki sa iba’t ibang uri sa bansa.

Sinabi ni Solis na ang pagbabago ng Klima at mga nararanasang kalamidad sa bansa ang isa ring ugat ng pagtaas ng bilihin sa ngayon dahil apektado nito ang mga pataniman.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with