Firing squad sa mga korap na opisyal itinulak sa Kamara
MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na naglalayong patawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad para sa mga opisyal ng gobyerno na nahatulan ng mga kasong may kaugnayan sa korapsyon.
Inihain ni Zamboanga Rep. Khymer Olaso ang House Bill 11211 o ang Death Penalty for Corruption Act, na sumasaklaw sa lahat ng opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga nasa executive, legislative, at judicial branches, pati na ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ang parusang kamatayan ay ipapataw sa mga opisyal na nahatulan ng graft, malversation ng pondo ng gobyerno, at plunder.
Gayunpaman, may mga proteksyon sa batas, kabilang ang pagkumpirma ng Supreme Court sa conviction, mandatory review, at ang pagnanais ng akusado na gamitin ang lahat ng legal na hakbang.
Ayon kay Olaso, layunin ng mga provisions na ito na protektahan ang mga karapatan ng akusado habang tinitiyak na ang parusang kamatayan ay ipapataw lamang kapag ang pagkakasala ay tiyak na napatunayan.
- Latest