^

Police Metro

P15 taas-pasahe sa dyip nakaamba

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang sinusuri ang petisyon na itaas ang minimum na pamasahe sa jeepney mula P13 patungong P15.

Ang petisyon ay inihain ng iba’t ibang transport groups bilang tugon sa hirap dulot ng kasalukuyang sitwasyon sa ekonomiya.

Ayon sa LTFRB, kinikilala nila ang mga ­hamon na kinakaharap ng mga tsuper at operator dahil sa tumataas na presyo ng gasolina at gastusin sa araw-araw.

Nangako ang ahensya na kanilang pag-aaralan nang mabuti ang mga salik tulad ng presyo ng gasolina, antas ng implasyon, at epekto sa ekonomiya, lalo na sa mga pasahero.

Bagama’t nauunawaan ang pangangailangan ng mga transport operator, binigyang-diin ng LTFRB ang pagbalanse nito sa posibleng epekto ng taas-pasahe sa mga mananakay.

Nangako rin sila ng pagsasagawa ng pampublikong konsultasyon upang masiguro ang transparency at inclusi­vity sa pagdedesisyon.

PAMASAHE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with