^

Police Metro

Ex-Quezon City mayor Herbert Bautista, aide convicted sa graft

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ex-Quezon City mayor Herbert Bautista, aide convicted sa graft
Herbert Bautista
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula anim hanggang sampung taong pagkabilango sina dating Que­zon City Mayor Herbert Bautista at kanyang da­ting city administrator Aldrin Cuña matapos mapatunayang guilty sa kasong graft kaugnay nang ginawang pagbili ng Online Occupational Permitting and Tracking System (OOPTS) noong 2019.

Nakasaad din sa desisyong ipinalabas ng Sandiganbayan 7th division na sina Bautista at Cuña ay hindi na maaaring makaupo sa alinmang posisyon sa gobyerno.

Hindi naman ginawaran ng Sandiganba­yan na makapagmulta ang dalawa kaugnay ng kaso dahil nasa halagang P32 milyon na halaga ng kontrata ay natanggap na ng pri­badong kumpanya na hindi kaalam sa kaso.

Sinasabing sa kasong ito, nagkaroon umano ng partiality sina Bautista at Cuña nang mai-award ang kontrata sa Geodata Solutions para sa OOPTS kahit na walang kaukulang pag-apruba ang QC council.

Ayon sa kampo Bautista, magsasampa sila ng motion for reconsideration kaugnay ng kasong ito.

HERBERT BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with