^

Police Metro

Big-time oil price hike, aarangkada na

Angie dela Cruz - Pang-masa
Big-time oil price hike, aarangkada na
Motorists queue at a gasoline station in Quezon City on July 7, 2024.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Muli na namang magpapatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Phi­lippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng malakihang dagdag ­presyo na P1.65 sa kada litro ng gasolina, P2.70 sa kada litro ng diesel at P2.50 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6:00 ng ngayong umaga.

May big-time oil price hike rin sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ipatutupad naman ng kompanyang CleanFuel ang kanilang dagdag ­presyo dakong alas-4:01 ng hapon.

Ito na ang ikatlong taas presyo sa mga produktong petrolyo simula pagpasok ng taon 2025.

Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

OIL PRICE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with