^

Police Metro

Salpukan ng motor at van: 2 todas, 8 SK councilor, sugatan

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang walong iba pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang motorsiklo at pampasaherong van sa kahabaan ng kalsada ng Barangay 2 Poblacion, Alaminos, Laguna, kahapon ng madaling araw.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa San Pablo City District Hospital at San Pablo General Hospital si Edward Ruelo, 27, computer operator II at hindi pa nakikilalang driver ng van.

Walong pasahero ng Nissan Urvan (NKD-8693) ang nasugatan at dalawa sa kanila ay chairman ng Samahan ng Kabataan (SK) habang anim na iba pa ay mga SK councilors ng lalawigan ng Albay.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago naganap ang sakuna, alas-12:20 ng madaling araw ay kapwa binabagtas ng dalawang sangkot na sasakyan ang opposition direction sa Del Pillar St.

Ayon sa traffic investigator, patungo sa Santo Tomas, Batangas direks­yon ang motorsiklong minamaneho ni Ruelo habang patungo naman sa San Pablo City ang isang pasahero ng van.

Nang makarating sa blind curved, ang naturang van ay nag-overtake ito sa isang sasakyan nang masalubong ang paparating na motorsiklo na nagresulta sa pagkakabangga.

Bumangga rin ang motorsiklo sa sementadong harang na matatagpuan sa kanto ng kalsada.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with