Magdyowa patay sa dump truck
MANILA, Philippines — Patay ang isang 26-anyos na driver ng Hino Dump Truck at kasintahan nitong 25-anyos na babae matapos na bumangga sa paanan ng bundok at matumba sa kalsada ang kanilang sasakyan sa national road sa Brgy. Paltoc, San Emilio, kamakalawa ng umaga.
Ayon sa mga otoridad, ang magdyowang nasawi parehong residente ng Brgy. Cabaroan ng naturang bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang Hino Dump Truck ay nasa pababang bahagi ng kalsada papuntang kanluran nang magkaroon ng mechanical/brake failure.
Dahil dito nawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng sasakyan hanggang sa bumangga sa paanan ng bundok at matumba sa kalsada ang Hino Dump Truck.
Kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang magdyowa na agad na isinugod sa Candon General Hospital ng mga rumespondeng PNP personnel, subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest