^

Police Metro

PNP hawak na ang 10 sa 29 na dawit sa P6.7 bilyong drug bust

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang 10 sa 29 na mga aktibo at dating mga pulis na sangkot sa ‘moro-morong’ P6.7 bilyong drug sa Maynila noong 2022.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, sa 10 na sangkot siyam ang naaresto habang isa naman ang boluntaryong sumuko.

Ang 10 nasa kustodiya ng PNP ay kinabibila­ngan ng apat na patrolman, isang police executive master sergeant, isang senior master sergeant, isang lieutenant, isang police captain, isang police major at isang lieutenant colonel.

Mas pinaigting pa ng PNP ang paghahanap sa 19 na iba pang mga dawit sa kontorbersiyal na 2022 drug operation.

Kaugnay nito, pinamamadali na ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil  kay Chief of Directorial Staff na si Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagbuo ng isang task force na tutugis sa mga ipinaaa­restong pulis matapos na maglabas ng warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court laban sa  mga sangkot na pulis sa  990 kilos shabu  na nakuha mula kay MSG Rodolfo Mayo, Jr at Nelly Atadero.

Ang mga pulis ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 bunsod ng pag-aantala ng prosecution at planting of evidence.

Sinabi ni Marbil na walang kapatawaran ang ginawa ng mga sangkot na pulis dahil dinungisan ng mga ito  ang  pangalan at  imahe ng  PNP.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with