^

Police Metro

Evacuation center, nahagip din ng apoy 500 pamilya apektado ng sunog sa Sampaloc

Mer Layson - Pang-masa
Evacuation center, nahagip din ng apoy 500 pamilya apektado ng sunog sa Sampaloc
Patuloy ang mga bumbero sa pagbomba ng tubig sa mga nasusunog na mga bahay sa Sampaloc, Maynila na umabot sa ikaapat na alarma bago tuluyang naapula ang apoy.Nasa 500 pamilya ang apektado ng sunog.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang 500 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, nagsi­mulang kumalat ang apoy ng alas-5:05 ng umaga at mabilis itong umakyat sa ikaapat na alarma, bandang alas-5:30 ng umaga.

Nasa 18 ng fire trucks ang kinailangang umapula ng sunog hanggang sa maideklara itong “fire out” ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang alas-8:08 ng umaga.

Isang residente naman ang naiulat na sugatan matapos umano nitong tumalon mula sa ikatlong palapag ng kanilang tirahan upang makatakas sa naturang sunog.

Ayon sa naturang ulat, hindi pa tiyak ang magiging pansamantalang relokasyon ng mga pamilyang apektado ng sunog dahil maging ang kalapit na basketball court na dapat sana’y evacuation center ay nahagip din umano ng sunog.

Bagama’t hindi pa umano tiyak ang pinagmulan ng sunog, ayon sa panayam ng media kay Barangay 458 kagawad Gabriel de Guzman, hinihinalang sa kandila raw nagmula ang nasabing sunog.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with