^

Police Metro

3 ‘sister’ todas sa sunog sa Maynila

Mer Layson - Pang-masa
3 ‘sister’ todas sa sunog sa Maynila
Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sta. Mesa Police Station 8 (PS-8), alas-5:12 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa naturang dalawang palapag na residential building, na matatagpuan sa Guadalcanal St., Sta. Mesa na pagmamay-ari ng isang ‘Ginalinda Reyes.’
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid na babae ang nasawi sa naganap na sunog sa kanilang bahay sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilala lamang na sina Ashanty Kate, 7; Ashley Kaye Balaba, 9 at Sushmita Adelain, 16.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sta. Mesa Police Station 8 (PS-8), alas-5:12 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa naturang dalawang palapag na residential building, na matatagpuan sa Guadalcanal St., Sta. Mesa na pagmamay-ari ng isang ‘Ginalinda Reyes.’

Ayon kay Barangay Chairman Francisco Blanco, ng Barangay 597, malakas ang usok sa tahanan nang madatnan nila ngunit walang lumalabas na apoy.

Inimpormahan ­umano sila ng ina na naiwanan ang mga biktima sa loob ng bahay ngunit hindi naman nila mapasok ang tahanan dahil sa makapal na usok.

Nahirapan din umanong makapasok ang mga bumbero sa tahanan dahil kulob ito, bukod pa sa maliliit ang mga kalsada doon.

Umabot lamang naman ang sunog sa unang alarma bago tuluyang naideklarang fire out dakong alas-5:58 ng gabi.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa tinatayang P30,000 halaga ng ari-arian.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with