^

Police Metro

Banggaan ng modern jeep at tricycle: 2 patay, 20 sugatan

Omar Padilla - Pang-masa
Banggaan ng modern jeep at tricycle: 2 patay, 20 sugatan
The ill-fated modern jeepney of operator Carmexss TSC involved in a fatal accident in Calumpit, Bulacan on Jan. 14, 2025.
Photo courtesy of Pareng Jhepoy Facebook page

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang nasa 20 ang sugatan matapos magsalpukan ang modern jeep at isang tricycle hanggang sa tuluyan itong mahulog sa tulay sa Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na sina ­Johnny Reyes, 44, tricycle ­driver ng Brgy. Caniogan at pasaherong si Angelica Esguerra, 27 ng North Ville-9, Brgy. Iba O Este.

Nasa 20 katao ang naitalang nasugatan sa naturang aksidente na ang karamihan ay pawang mga estudyante ng Bulacan State University.

Sa report, nangyari ang insidente, ala-1:40 ng hapon nitong Martes sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sakop ng Brgy. Iba O Este.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang modern jeep na ga­ling Malolos patungong Apalit hanggang sa kabigin ng driver ang mani­bela pakaliwa upang hindi mabangga ang mga kasunod na sasakyan subalit sinalpok ang kasalubong na tricycle at tuluyang nahulog ito sa tulay.

Ang driver ng mo­dern jeep na nakilalang si Orlando Manayag Jr, 53 ng Sto. Tomas, Pampanga ay nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with