^

Police Metro

Bilang ng mga nagugutom na Pinoy, tumaas sa higit 25 percent

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bilang ng mga nagugutom na Pinoy, tumaas sa higit 25 percent
Ang December 2024 hunger rate ay halos doble umano sa 2023 hunger average na 10.7 percent. Nasa 22.9 percent ang hunger average noong 2024.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa inilabas na SWS survey ay tumaas sa 25.9 percent ang bilang ng mga Pinoy na dumanas ng pagkagutom noong December 2024 o mas mataas sa 22.9 percent noong September 2024.

Ayon sa survey, ito na ang pinakamataas na percentage makaraang maitala ang 30.7 percent hunger rate noong COVID-19 lockdowns noong September 2020.

Ang December 2024 hunger rate ay halos doble umano sa 2023 hunger average na 10.7 percent. Nasa 22.9 percent ang hunger average noong 2024.

Lumabas sa survey na nitong December 2024, ang Mindanao ang nagtala ng pinakamataas na hunger rate na 30.3 percent, sumunod ang Balance Luzon na 25.3 percent, Visayas ay nasa 24.4 percent at Metro Manila ay 22.2 percent.

Sa mga walang makain o gutom, ang dumanas ng “moderate hunger” ay nasa 18.7 percent at ang dumanas ng “severe hunger” ay nasa 7.2 percent.

Ayon sa SWS, ang moderate hunger ay yaong dumanas ng gutom nang isang beses lamang o ilang minuto lamang sa nagdaang tatlong buwan, samantalang ang severe hunger ay yaong mga taong madalas o palagiang nagugutom.

Sa buong bansa, ang moderate hunger rose ay tumaas sa 17.8 percent noong December 2024 mula sa 13.3 percent noong September 2024 habang ang severe hunger ay tumaas ng 7.2 percent mula sa6.1 percent.

Ayon sa SWS ang madalas na gutom ay yaong mahihirap.

Ang naturang SWS survey ay ginawa noong December 12 hanggang December 18, 2024 na face-to-face interview sa kabuuang 2,160 adults nationwide o nasa 1,080 respondents mula sa Ba­lance Luzon at tig-360 bawat isa mula sa Metro Manila, Visayas at Minda­nao.

HUNGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with