Babaeng ‘two timer’ tigok sa saksak
Nahuli ng lover na katalik ang kabit
MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na babae na nasawi habang ginagamot sa ospital matapos na siya ang sumalo sa limang saksak ng kanyang ka-live in na para sana sa kabit nito nang mahuling nagtatalik sa kama sa loob ng barracks ng isang construction site sa Brgy. Salitran, Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima na nagtamo ng limang saksak sa tiyan na kanyang ikinasawi ay kinilalang si alyas Marivic, 22, stay-in sa construction site kung saan nagtatrabaho din ang kanyang ka-live in at kalaguyo nito.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-3:00 ng madaling araw sa loob ng barracks sa construction Site sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way, Barangay Salitran 2, Dasmariñas City ay nagising ang suspek na kinilalang si alyas Joseph, 26, construction worker, stay-in din sa nasabing construction site at hinanap nito ang biktima.
Sa kanyang pag-iikot ay napansin ang tsinelas ng biktima sa labas ng barracks ng kasamahan sa trabaho na si alyas Ryan.
Nagduda ang suspek at pasukin ang barrack ay bumulaga sa kanya na nagtatalik ang biktima at kabit nito sa kama.
Sa tindi ng galit ng suspek ay kinuha nito ang patalim na sa bewang para saksakin ang kabit nitong si Ryan.
Subalit humarang ang biktima kung kaya ito ang sumalo sa sunud-sunod na limang saksak ng ka-live in.
Agad itinakbo ng suspek ang biktima sa Medical Center Imus, subalit pagkatapos ang isinagawang operasyon ay binawian din ng buhay ang huli.
- Latest