Basurero hulog sa inakyat na garbage truck, pisak ang ulo sa trailer truck
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang basurero nang mahulog sa inakyat na garbage truck nang mapisak ang ulo nang masagasaan ng dumaan na trailer truck, kamakalawa sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang nasawi na si Michael Porcadilla, 53, na residente ng Prudencia St., Tondo, matapos na magulungan sa ulo ng isang dumaraang trailer truck.
Nasa kostudiya naman na ng mga otoridad ang driver ng trailer truck na nakasagasa sa biktima at nakilalang si Jay Tomas, ng Quezon City habang inaalam pa ng mga otoridad ang pangalan ng driver ng garbage truck na kinahulugan ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-12:17 ng tanghali sa Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) ay umakyat ang biktima sa gilid ng isang garbage truck na nakaparada sa lugar dahil nangongolekta ng basura doon, at nanguha ng mapapakinabangang kalakal.
Gayunman, minalas na mahulog ang biktima mula sa garbage truck at bumagsak sa sementadong kalsada.
Nagkataon namang dumaraan sa kanyang tapat ang trailer truck kaya’t minalas na masagasaan ang ulo nito na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.
- Latest