2 Chinese national, dinakip sa iligal na pagbebenta ng SIM cards
MANILA, Philippines — Inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Detective Special Operations Unit sa ilalim ng Oplan OLEA ang dalawang Chinese national na nagbebenta umano ng mga pre-registered SIM cards sa Pasay City.
Ayon kay Acting CIDG Director PBGEN Nicolas D. Torre III, kinilala ang mga suspek na sina Yingchun at Chunmei kung saan nasamsam sa kanila ang 1,700 Globe SIM cards, 2,300 TM SIM cards, isang genuine P1,000 bill, at 49 na piraso ng P1,000 boodle money. Nahuli ang mga suspek bandang alas-5:15 ng hapon nitong Enero 9 sa isang buy-bust operation sa harap ng isang coffee shop sa Pasay.
Nag-ugat ang operasyon matapos na lumitaw sa intelligence reports na isang sindikato ang nagbebenta ng mga pre-regjstered SIM cards na ginagamit sa criminal activities kabilang ang online phishing, love scams, identity theft, telecommunications fraud, at iba pang uri ng pananakot.
Ang mga suspek ay sinampahan na ng kaso sa paglabag kaugnay ng Republic Act 11934 o SIM Registration Act.
Ayon sa CIDG, ginagamit umano ang mga pre-registered SIM sa mga kriminal na aktibidad tulad ng online phishing, love scams, at telecommunications fraud.
- Latest