Socmed post sa ‘HIV-infected’ needles sa blood tests, peke – DOH
MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa pekeng post sa social media ng isang miyembro ng Faculty of Medicina na nagbabahay-bahay para sa blood sugar test na ang mga karayom na ginagamit sa pag-iniksyon ay kontaminado umano ng human immunodeficiency virus (HIV).
“The Philippine National Police has also debunked this message, confirming that it is a scare tactic with no factual basis,” anang DOH.
Hinihimok ng DOH ang publiko na huwag i-share ang mga hindi na-verify na claim na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang alarma.
Payo ng DOH sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong mapagkukunan at platform tulad ng DOH, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga link at social media handle.
- Latest