^

Police Metro

‘Agila’, babalik, tutulong sa isyu ng West Philippine Sea

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng aktor at Eagle na si Rannie Raymundo ng The Fraternal Order of Philippine Eagle (TFOPE) o mas kilalang EAGLES ang pagbabalik at pagkakaisa ng foun­ding members nito upang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa West ­Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Eagle Rannie, tatawaging WPS EAGLES na ang mga miyembro ay kinabibilangan ng mga orihinal na miyembro ng grupo na itinatag noong Hunyo 22, 1979 sa Quezon City.

Isa na rito ay ang kanyang amang si Eagle Hilo Raymundo na ang adbokasiya ay nasyona­lismo at pagmamahal sa bayan na isa sa 11 miyembro ng EAGLES na National Chapter President.

Ani Rannie, ang grupo ay handang lumaban sa mga pangbu-bully at fake news ng gobyerno ng Tsina sa Pilipinas sa isyu ng WPS.

“Ang ginagamit nga sa atin ngayon ng Tsina ay Cognitive Warfare o ang Psychological Warfare, kung saan ay pinaplanta, tinatakot tayo... Ganyan talaga ang ginagawa sa atin ng Tsina na kesyo may isa, dalawa, tatlo, labindalawa, bente mahigit na nuclear missile na nakatutok sa atin dito sa Pilipinas. ‘Yan ang ginagawa ng Tsina, minamanipula tayo”, ani Eagle Rannie.

WPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with