^

Police Metro

4 katao sakay ng motor patay sa ambush

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao na mga sakay ng motorsiklo ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kamakalawa.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital ang magtiyuhin na sina Henry Racho, 51, dean at nagtuturo ng sports sa Notre Dame of Salaman College at pamangkin na si Erick James Moyet, 17, estudyante, kapwa residente ng Barangay Cadiz, Kalamansig matapos na pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Sitio Marigaeg Purok Nepa Brgy. Salaman, Lebak, Sultan Kudarat, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lebak Police Station, alas-7:00 ng gabi ay  pauwi ang mga biktima na magkaangkas sa motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspect na nag-aabang sa lugar.

Samantala, patay din ang mag-asawang Nestor at Marilou Rondon nang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan habang magkaangkas sa motorsiklo sa Sitio Tambis, Brgy. Santa Clara, Kalamansig, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng hapon.

Naaresto naman ng mga tropa ng mga otoridad ang mga suspects na kinilala sa alyas Oting-Oting at Mohalidin, kahapon ng madaling araw sa Barangay Sangay.

AMBUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with