^

Police Metro

3 arestado sa pagpatay sa 2 sales agent sa Batangas

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na pa­ngunahing suspek pagpatay sa dalawang ahente na ang mga bangkay ay itinapon malapit sa isang bahay sa Agoncillo, nitong Martes ang naaresto ng mga otoridad.

Itinuturing ni P/Major Broderick Noprada, hepe ng Agoncillo police, na sarado na ang kasong pagpatay sa mga biktimang sina Eugene Petil, 37, at James Clerk Sul­tero, 18, kapwa sales agent ng animal seed feeds nang maaresto ang mga suspek na sina Guillermo Endozo, 32, mastermind; Jojo Sangalang, 35, na tinaguriang gunmen; at Jayson Endozo, 42, pinsan ni Guillermo.

Ang tatlo ay naaresto ng tracker team operatives sa kani-kanilang bahay na matatagpuan sa Laurel at Agoncillo nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Noprada, ang magpinsan na sina Endozos at Sangalang ay positibong kinilala ng mga nakasaksi bilang mga salarin sa pagpatay kay Petil at Sultero.

Lumalabas na target lang na patayin si Petil dahil sa may malaking utang ang mastermind na si Guillermo na hindi nito kayang bayaran at nadamay lang si Sultero.

Magugunita na natagpuan ang bangkay nina Petil at Sultero na may tama ng bala sa ulo at katawan sa harap ng isang kubo sa Barangay Banyaga, Agoncillo, Batangas nitong Martes ng alas-4:20 ng hapon.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with