^

Police Metro

Higit 29K barangay drug free na - PDEA

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 29,000 barangay sa buong bansa ang drug free simula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 29,390 barangays o 69.97 porsiyento ng mga bilang ng barangay ang malinis na  mula sa mga illegal drugs at sumailalim sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP).

Idineklarang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) matapos ang  masusing deliberasyon.

Sinabi ng PDEA na malaking tulong ang  pagbibigay ng respeto sa bawat indibiduwal at ang pagpapatupad ng whole-of-nation approach upang tulungang masawata ang  illegal drugs sa bansa.

Sa kabila nito, nasa 6,113 barangay pa sa buong bansa o 14.55 percent ang nananatili ang  illegal drug operations.

Pursigido pa rin ang  PDEA na tutukan at masawata ang illegal drugs sa mga apektadong barangay.

Umaasa ang PDEA na mawawala na ang mga illegal drugs sa bansa sa taong 2030 sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials na nakakaalam at nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with