^

Police Metro

Urdaneta City Mayor at Vice Mayor, pinatawan ng 12 buwan suspensyon

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniutos ng Malacañang ang pagsuspinde ng 12 buwan laban kina Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy ­Parayno.

Ito ang ipinalabas na kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos mapatunayang liable sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority na naisampa ni Michael Brian Perez, punong barangay ng San Vicente Urdaneta City ­Pangasinan.

Sa ipinalabas na desisyon ni Bersamin nitong Enero 3, 2025 hinggil sa administrative complaint case No 22-K-090 na naisampa ni Perez noong October 28, 2022, napatunayan sa masusing pagbusisi sa kaso na liable ang dalawang Parayno sa naturang kaso.

Nang makarating sa DILG ang desisyon ni Bersamin at memorandum order ni Atty. Romeo Benetiz Undersectary for External, Legal and Legislative Affairs, agad namang ipinag-utos ni DILG Region 1 director Jonathan Paul Leusen Jr. sa mga Parayno na sundin ang utos ng Malacañang na tig-6 na buwang suspension sa dalawa o kabuuang 12 buwang suspension sa puwesto.

Magugunitang ­inabuso ng mga Parayno ang kanilang kapangyarihan nang suspendihin at patalsikin bilang Liga ng mga Barangay President si Perez at palitan bilang LNB President ng Office of the Mayor at Sangguniang Panlunsod na hindi naman nila sakop ito kundi ang may kapangyarihan na magdesisyon hinggil dito ay ang LNB Provincial Executive Board sa pamamagitan ng Provincial Liga Office.

SUSPENSYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with