Binatilyo nasawi sa nasunog na gusali
MANILA, Philippines — Isang 17-anyos na binatilyo ang nasawi matapos na makulong sa nasusunog na gusali sa kahabaan ng Rizal Street, Purok-1, Brgy. 17, Legazpi City, Albay, kahapon ng madaling araw.
Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang biktima na si alyas Gelo, accountancy student ng Bicol University at residente ng Brgy. Gangaw, Baleno, Masbate.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-4:20 ng madaling araw ay nakarinig ng malakas na pagsabog ang ilang residente at nang tingnan ay nakita ang makapal at maitim na usok na nagmumula sa harapang bahagi ng gusali ng I.M Laundry Mat. Mabilis na rumesponde ang mga pamatay sunog at mga tauhan ng Legazpi City Police Station pero hindi na nagawang maisalba ang biktima at dakong alas-5:20 ng umaga nang ideklarang fireout.
- Latest