‘No fly zone’ at ‘no sail zone’ sa Traslacion
MANILA, Philippines — Upang masiguro ang maayos, ligtas at mapayapang pagdaraos ng mga aktibidad para sa pista ng Poong Nazareno sa Enero 9 ay paiiralin ng mga otoridad ang ‘no-fly zone’ at ‘no-sail zone’ habang magpapatupad din ng gun ban at liquor ban.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sinimulan nilang ipatupad ang no-sail policy noong Lunes, Enero 6 hanggang sa Enero 10, Biyernes.
Sinabi naman ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Thomas Ibay na umiiral na rin ang ‘no-fly zone’ sa lugar.
Nangangahulugan aniya itong bawal na ang pagpapalipad ng drones sa mga lugar na daraanan ng Traslacion para sa kaligtasan ng lahat.
Nabatid na ipaiiraI naman ang gun ban simula Enero 8 hanggang 11 habang ang liquor ban naman ay inaasahang magiging epektibo rin simula Enero 8 at magtatagal hanggang 10.
Una nang idineklara ng Malacañang na special non-working day ang Enero 9 sa lungsod ng Maynila.
- Latest