^

Police Metro

Ayusin ang lubak-lubak na kalsada sa Maharlika Hwy

Tony Sandoval - Pang-masa
Ayusin ang lubak-lubak na kalsada sa Maharlika Hwy
Ang Brgy Malicboy, Maharlika Highway ay pangunahing kalsada na daanan ng mga sasak­yan at truck patu­ngong Distrito 4 o mga lugar ng Atimonan, Gumaca, Lopez at hanggang mga lalawigan sa Bicol at Samar.
STAR / File

Apela ng mga residente ng Quezon sa DPWH

MANILA, Philippines — “Ayusin ang mga lubak-lubak na kalsada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Pagbilao, Quezon”.

Ito ang apela ng mga residente sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kung saan ay ilang taon na silang nagtitiyaga sa malalalim na lubak partilular na sa Brgy. Malicboy bago duma­ting ng zigzag o mas kilala bilang Bitukang Manok.

Maliban dito, marami rin sira-sirang kalsada o daan sa Brgy Malicboy, Pagbilao na nagdudulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Nabatid na ang nasabing lugar ay sakop ng Distrito 1 ng lalawigan ng Quezon na sakop ni Congressman Mark Enverga. Subalit dahil hindi naman dito ang daanan patungo sa distrito ni Enverga ay hindi ito napapagtuunan ng pansin.

Ang Brgy Malicboy, Maharlika Highway ay pangunahing kalsada na daanan ng mga sasak­yan at truck patu­ngong Distrito 4 o mga lugar ng Atimonan, Gumaca, Lopez at hanggang mga lalawigan sa Bicol at Samar.

Umapela naman si Quezon Governor Doktora Helen Tan sa DPWH na agad ayusin ang mga lubak na kalsada dahil lubhang nakakaapekto na ito sa pang-araw araw na buhay ng mga residente ng lalawigan at ma­ging sa turismo dahil sa napakahabang traffic na sinusuong ng mga commuters.

MAHARLIKA HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with