DOH nakapagtala ng 656 aksidente sa kalsada nitong Kapaskuhan
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) hanggang kahapon, Enero 5 ng dagdag na 18 bagong kaso na bumuo sa 656 kabuuang bilang ng kaso ng road traffic incidents nitong holiday season.
Sa naitalang datos na ito mula noong Disyembre 22, 2024, mas mataas umano ang bilang na ito ng 32.7% kumpara sa nakaraang taon.
Kabilang sa mga aksidente ng kalsada ang 569 kaso ng hindi paggamit ng safety gears, 123 pagmamaneho nang lasing, at 468 na motorcycle accident.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng DOH sa mga motorista na maging responsable nang maging ligtas ang lahat ng gumagamit ng kalsada.
- Latest