^

Police Metro

90% ng mga Pinoy naghayag ng pag-asa ngayong 2025

Angie dela Cruz - Pang-masa
90% ng mga Pinoy naghayag ng pag-asa ngayong 2025
Some families continue to celebrate Christmas at Rizal Park despite the rainy weather on Wednesday.
Ryan Baldemor, Fie

MANILA, Philippines — Mas nakararaming Pinoy ang nagpahayag ng malaking pag-asa ngayong 2025 at kakaunti ang nagpahayag ng pangamba, base sa latest survey ng Social weather Station (SWS) survey.

Base sa survey, nasa 10 porsyento ng mga Pinoy ang nangangamba sa kahihinatnan ng kanilang buhay ngayong taong 2025.

Lumalabas pa na mas mataas ito ng 3-percent o sa 7-percent ng mga Pinoy na nagsabi noong nakaraang taon na sila ay nangangamba para sa taong 2024.

Ang survey ay ginawa noong Disyembre 12-18 kung saan nasa 90 pos­yento naman ng mga Pinoy ang nagpahayag ng pag-asa para sa taong 2025.

Sa SWS survey na ito, ang tanong sa mga Pinoy adult ay -- “Ang darating na taon ba ay inyong sasa­labungin nang may pag-asa o may pangamba?”

Ikinatwiran ng nakararaming Pinoy na mas mahalagang unahin ang mga nararamdaman tulad ng mga ­pangamba  ­kaysa sa mga kasiyahan.

SWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with