Kumakalat na virus sa China, ‘fake news’
MANILA, Philippines — “Fake news”.
Ito ang inihayag kahapon ng Chinese embassy sa Maynila tungkol sa posts sa social media na mayroong kumakalat na bagong virus sa China.
Pinatutungkulan ng Chinese embassy ang kumakalat ngayon sa social media na diumano’y Human Metapneumovirus o HMPV sa China at nagdeklara na umano ang bansa ng state of emergency.
Nauna nang naglabas ng pahayag kahapon ng umaga ang Department of Health (DOH) at nilinaw nitong hindi kumpirmado at sinusuportahan ng reliable sources tulad ng World Health Organization (WHO) ang diumano’y isang “international health concern.”
“Reliable sources currently do not support circulating posts on social media about an alleged international health concern. There is no confirmation from either the cited country or the World Health Organization (WHO),” saad nito.
“The Philippines through the Department of Health (DOH) is an active participant in the network of WHO Member States that follow the International Health Regulations (IHR). This established system is what gives reliable updates about international health concerns,” dagdag pa nito.
- Latest